Neakie_Byuntaeful
Totoong Panaginip
Pagmulat ng aking mga mata
Siya ang unang nakita
Napangiti sa tuwa
Nang malamang, nariyan ka
Bumangon ako, bigla kang nawala
Ipinagbukas sara ang sariling mga mata
Lumingon sa paligid, nagtataka
Kanina'y narito ka bakit biglang nawala?
May isang kaganapang biglang naalala
At isang imahe ng taong aking sinisinta
Oo nga pala, wala na siya
Ako'y kanyang iniwan, para sa iba
Sana'y ako'y makalimot na
Upang ang puso'y hindi na muling masaktan pa
Gusto ko ng kalimutan siya
Ngunit, paano kung ang hanap ng puso ay siya?
"You know what i hate the most? People leaving without even saying goodbye"-Psyche