-BurningHeart-
==
Nagsimula ang lahat nang magkaroon ako ng panaginip nang ako'y nasa kolehiyo na, simula bata ako ay di pa ako nagkakapanaginip.
Nagtanong na ako sa mga doktor, hindi naman daw ito malaking problema. Kahiya-hiya man sabihin pero nag try ako ng nag try ng mga pwedeng gawin para magkapanaginip, dahil lang sa pagka-curious ko.
Pero nang magkapanaginip ako ay may kakaiba, hindi ito parang fairytale na merong makulay at masiglang kaganapan.
Ngunit isang madilim at liblib na lugar, Bangungot kung tawagin pero mas realistic kaysa sa normal ng panaginip. Para bang ako mismo ang nasa lugar at waring na akto bilang character, wala akong kakayahan na itigil ang sarili kong panaginip o di kaya'y magising sa pagkatulog.
Patayan, mga dugong nagtatalsikan, irit ng mga biktima, pati ang huling paghinga nila ay aking nasaksihan. Lahat ng iyon ay nararanasan ko sa isang panaginip lamang, nakakatakot man pero wala akong magawa, nagpatulong ako sa mga psychiatrist since it might be a trauma that I unexpectedly gained from my younger years. Pero even for them it was new and they've never heard of it. Except from my paid psychiatrist di ko naman pwedeng sabihin toh sa mga polis baka ako pa maging suspect nila.
Joshua Di Vera ang pangalan ko, ang taong pinakamalas sa mundo.
Nathan naman ang pangalan ng crush ko, polis sya kaya makisig ang katawan at napaka galang, napaka gwapo rin, oo nagawa ko pang magkagusto sa isang lalaki sa gantong kalagayan ko pero di ko mapigilan masyado syang perpekto. He was the definition of my type, a respectful and young lad, everyone adores him. Sa trabaho, sa kapehan na pinag ta-trabahuhan ko o san man sya mapadpad he make everyone's head turn in his presence.
==
In a life where I have to choose between you and loyalty to those around me. Either way I'll suffer a great lost, so who am I supposed to choose?