aiirrishh
Lou's Pov
[ Cut Scene ]
" I'm sorry you had to wait so long" sabi nya habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Lou, patawarin mo ko.. Pagod na ako. " bumagsak ang balikat ko at parang pinipiga ang puso ko dahil sa sinabi nya.
" Ayoko na,Lou. Hindi ko na kaya pang makita kang tinatakasan mo ang magandang buhay na binigay ng daddy mo dahil lang sa akin. Nasasaktan ako para sayo."
" Lou... " lumapit parin sya sa akin at dahan-dahan nyang pinunasan ang mga luha sa mukha ko, hinawakan ko naman ang kamay nya na nagdala sa akin para haplusin ito at pakiramdamin. "Aalis na ako. Lalayo na ako sayo... Napakasama mang isipin pero pupunta na ako sa lugar na hinding hindi na tayo magkikita pa. "
" That's .... too much, Bin. " nanginginig kong sabi sabay patak ulit ng mga luha sa aking mga mata.
" Mahal kita,Bin. Hindi ko pa din maintindihan. Bakit kailangan mong mawala sa akin?! "
"Ayoko ding mangyari to " Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagluha nya."I wish I could be with you..... pero hindi eh may kulang sa akin at natatakot ako para sa ating dalawa. Iniisip ko hinding hindi mo makukuha sa akin ang happy ending ng buhay mo,Lou. "
Ang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon para akong nawawalan ng pag-asang mabuhay pa. Mahal na mahal kita,Bin. Higit pa sa buhay ko at sa mga bagay na meron ako.
" Lou, masaya akong nakilala ka. Mahal na mahal kita."
NEVER ENDING NIGHTS
Iiwan nga ba talaga ni Bin si Lou?
Hindi na kaya nya babalikan ang babaeng minahal nya?
©Aiirrishh