marx_xr
Mga Salitang Hindi Ko Nasabi
Break-up Edition
"Hindi na tayo."
May mga pag-ibig na hindi naman agad nawawala-mga alaala na nananatili, mga nakasanayang bagay na biglang kailangang kalimutan, at mga salitang paulit-ulit nating gustong sabihin kahit wala na ang taong dapat makinig.
Pero darating ang sandaling hindi na kayang manatili ng isang relasyon sa pagitan ng dalawang pusong minsang nangakong mananatili.
Break-up Edition is a collection of poems about the end of a relationship-about losing someone you once called yours, about the silence that follows goodbye, and about the strange emptiness of returning to a life that no longer includes the person who used to be part of it.
Mga tulang isinulat para sa mga gabing hinahanap mo pa rin ang dating presensya niya, sa mga lugar na puno ng alaala, sa mga mensaheng muntik mo nang ipadala, at sa mga tanong na wala nang taong makasasagot.
Hindi nito ipinapangako na madaling kalimutan ang isang taong minahal mo. Minsan, may galit. Minsan, may pangungulila. Minsan, may pagsisisi. At minsan, pinakamahirap tanggapin na maaari mo pa rin siyang mahalin kahit alam mong hindi na kayo dapat manatili.
Dahil may mga pagtatapos na hindi nangyayari dahil nawala ang pagmamahal.
Minsan, natapos lang ang "tayo."
At kapag wala nang ibang masasabi, may mga salitang naiwan sa pagitan ng pagmamahal at pamamaalam-
Mga salitang hindi na nasabi. π₯