LhanzDJes
Labing-isang housemates ang sabay-sabay na pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya, bawat isa may bitbit na pangarap, personalidad, at mga sikreto. Sa unang araw pa lang, nagsimula na agad ang tensyon, kulitan, at pakiramdaman. Sa unang challenge na "Two Truths and a Lie," unti-unting nabubunyag ang ilang piraso ng pagkatao ng bawat isa.
Ngunit sa gitna ng mga ngiti at bagong pagkakaibigan, isang pasabog ang binitawan ni Kuya: isa sa kanila ay hindi totoong housemate.
Sino ang nagtatago ng tunay na pagkatao?
Simula pa lang ito ng isang season na puno ng drama, twist, at tunay na kwento.