gh0stww
Magkaiba sina Mikko at Andre sa halos lahat ng bagay.
Si Mikko ang tipo ng taong hindi kayang manahimik-maingay, palabiro, at laging sentro ng tawanan sa classroom. Kahit saan siya mapunta, may energy siyang dala na kayang magpagaan ng paligid.
Si Andre naman ay kabaligtaran niya.
Tahimik. Reserved. Simpleng estudyante lang na mas gustong manatili sa likod ng classroom kaysa mapansin ng iba. Matangkad, maputi, singkit, at halos walang emosyon sa mukha kaya madalas mapagkamalang suplado.
Walang dahilan para maging close sila.
Pero nang bigla silang pagtambalin para sa isang semester project, unti-unting nagbago ang lahat.
Sa araw-araw na magkasama sila, nagsimulang maging parte si Mikko ng tahimik na mundo ni Andre. At habang mas nakikilala niya ito, mas lalo rin siyang nahuhulog.
Ang problema?
Siya lang ang merong nararamdaman.
Dahil para kay Andre, kaibigan lang si Mikko. Kaibigang sanay siyang kasama. Kaibigang hinahanap niya araw-araw. Kaibigang hindi niya kayang mawala-
pero hindi niya kayang mahalin pabalik.
O 'yun ang akala niya.
Isang kwento tungkol sa timing, pag-ibig na hindi nasuklian, at mga damdaming minsang naiintindihan lang kapag huli na ang lahat.