graciavillaga
Sa una lang naman ganiyan ang mga lalake. Pag tumagal na, nawawala na, nagbabago na. Puro pangako sa umpisa, pero anong mapapala mo sa huli? Wala. Kasi nagbabago ang lahat. Kasi nagbabago sila. Hindi ibig sabihin na mahal ka nila ngayon, sa makalawa, ganiyan pa rin tingin nila sayo.
Masakit umasa. Akala mo okay na ang loyal, ang pagmamahal. Pero may hahanapin sila na hindi mo kayang maibigay. At pag hindi nila yun nakuha, dun ka nila iiwan. Bakit? Kasi di ka nila mapakinabangan.