PlotAndProof
Dati, siya ang dahilan ng ngiti ni Lavender Hope Macasaet.
Ngayon? Hindi man lang siya makatingin sa mata ni Seth Javier Morales.
Naging masaya sila-kahit sandali lang. Pero sa isang iglap, natapos ang lahat. Walang closure, walang paliwanag. Naiwan si Lavender na bitbit ang sakit, habang si Seth... parang walang nangyari.
Ngayong panibagong school year, magkaibang section na sila-Section A si Lavender, Section B si Seth. Akala niya safe na siya. Pero paano kung araw-araw pa rin niyang nakikita ang taong minsang sinayang siya? Lalo na't si Aica, ang kakambal ni Seth, ay siya ring matalik niyang kaibigan.
At kung hindi pa sapat ang gulo ng damdamin, may isang bagong lalaking dumarating na handang mahalin siya ng buo-na hindi siya iiwan.
Pero paano kung si Seth... gusto pa rin siyang habulin?
Second chances or final goodbyes?
Pipiliin mo ba 'yung taong nanakit sa'yo... o 'yung taong dumating nung wasak ka na?
Sa storyang 'to, may kilig. Pero mas marami ang luha