rioviatres0106
Isang gabing puno ng sakit, isang gising sa mundong hindi pamilyar.
Si Amery Anderson ay ang perpektong depinisyon ng isang "Princess." Maganda, matalino, at tagapagmana ng isang business empire.
Akala niya, nahanap na niya ang kanyang "Prince Charming" kay Connor Austin, ang gwapo at matikas na tycoon na nagpabago sa pananaw niya sa pag-ibig. Ngunit ang lahat ng iyon ay gumuho nang mahuli niya ito sa gitna ng pagtataksil sa isang bar.
Dahil sa sobrang lumbay at kalasingan, nakatulog si Amery sa kanyang marangyang penthouse condo habang humihiling na sana ay mawala na lang ang lahat ng pasakit na nararamdaman.
Pagdilat ng kanyang mga mata, hindi ang malambot na kama at malamig na aircon ang sumalubong sa kanya.
Wala ang kanyang yaman, wala ang kanyang kumpanya, at wala ang marangyang buhay na kinagisnan. Nagising siya sa isang payak na bahay-kubo, suot ang lumang damit, at ang kasama niya ay ang kanyang ina na matagal na niyang pangarap na makapiling muli.
Sa dimensyong ito, si Amery ay anak ng mahirap. Isang kahig, isang tuka.
Habang pilit niyang hinahanap ang daan pabalik sa dati niyang buhay, muli niyang makakasalubong ang lalaking sumira ng puso niya-si Connor Austin.
Ngunit sa mundong ito, sino ba sila sa isa't isa? Magagawa ba niyang itama ang mali ng nakaraan, o nakatadhana silang magsakitan muli, anuman ang mundong kinalalagyan nila?
"In a world where I have everything, I lost you. In a world where I have nothing, will I find you again?"