clioooo_
Sabi nila, ang mga Pharmacy students, eksperto sa pagtitimpla ng gamot. Pero bakit gano'n? Kahit anong halungkat ni Rianne sa British Pharmacopoeia, wala siyang mahanap na lunas para sa isang lalaking ayaw namang magpagaling.
Meet Enzo, he's handsome, smart, and a total catch-kung hindi lang siya mukhang nagdadalamhati sa lamay araw-araw. He just got out of a six-year relationship, and let's just say his heart isn't just broken; it's pulverized. He's cynical, cold, and strictly avoids anything that breathes "commitment."
Enter Rianne. Isang persistent, "clown" for love, at certified nagpapansin Pharmacy student. She's been crushing on Enzo since their freshman year, and now that he's finally single, she sees it as a sign from the universe.
The Strategy?
* Mag-iwan ng kape sa laboratory bench niya (kahit may sticky note na 'Para sa gising mong puso').
* Laging mag-volunteer na maging lab partner niya (kahit halos itaboy na siya nito).
* Habul-habulin siya sa hallway para lang itanong kung "rebound" ba ang hanap nito dahil "willing to wait" naman siya.
Pero hanggang kailan nga ba kayang maging painkiller ni Rianne? In a world of chemical reactions and complex formulas, can she prove to Enzo that the best way to move on isn't time-but a new dosage of love?
O baka naman, sa huli, siya lang ang magiging side effect sa buhay na pilit niyang pinapasukan?
"Enzo, hindi naman siguro kailangan ng anim na taon para makalimot? Baka kailangan mo lang ng isang Pharmacy student na marunong mag-alaga. Try mo ako, FDA approved naman 'to."