MissIceKH
"What is your kind of music?" The only thing that i asked to him pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa mga dahon na nahulog sa ilalim ng punong sinisilungan namin.
Ngumiti ako at tumingin sa mga ulap sa langit kung saan nagtatama ang liwanag at ang mga dahon na sumasayaw sa simoy ng hangin. "Ako kasi...Ang uri ng musika ko ay ang pag-ibig." masaya kong sabi, naramdaman ko na tumingin siya sakin pero nanatili ang tingin ko sa mga ulap. May dumaan na maraming ibon...kay gandang pagmasdan.
Dinama ko muna ang hangin na tumatama sa balat ko kasabay ng hinahangin kong mga buhok. "Because if it isn't because of love, we are not here. The clouds, the birds, even this tree, all of the things around us...and especially us. Dahil lahat ng bagay ay ginawa because of love. At dahil sa pagibig, may musika tayo." I said from my heart. Naalala ko nanaman ang mga araw na masasayang nangyari sa buhay ko...napaluha nalang ako habang nakangiti, naramdaman ko na ngumiti din si RR at tumingin din sa mga ulap.
He remains silent at wala talaga siyang sinasabi na kahit ano. Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang ganda ng kalawakan.
Maya-maya pa ay kinuha niya ang gitara sa tabi niya, napatingin ako sa kanya. Masaya ang mga mata niya. Napaluha nalang ako nang marinig ko ang musika na pinasimulan niyang tugtugin...
Hindi naalis ang mga ngiti sa aking labi habang tumutulo nanaman ang mga luha.
I just realized that he is playing his very own kind of music, a music that can make you cry but powerful in heart, and it is..
"His Music of the Mishap"
***
"You...what is your kind of music?"
His Music of the Mishap
written by: MissIceKH
All Rights Reserved ©2021