mrsjeonyn
Lahat ng tao ay may tinatagong sikreto-mga sikretong mas mabuting manatiling lihim kaysa maging dahilan ng pagkasira ng matagal na pinagsamahan.
Para kay Isabelle Miranda, iyon ay ang matagal na niyang tinatagong damdamin para sa kanyang best friend, Andres Muhlach. Hindi niya ito sinabi-hindi dahil wala siyang tapang, kundi dahil ayaw niyang masira ang friendship nila... at dahil may mahal na itong iba.
Kaya't lahat ng sakit, selos, at mga katotohanang hindi niya kayang sabihin ay isinulat niya sa kanyang diary-ang tanging lugar kung saan totoo ang lahat.
Hanggang isang araw, nalaglag ang diary-at napulot ng lalaking tahimik, mailap, at hinahangaan ng halos lahat-
ang mystery man ng campus: Rabin Angeles.
Sa halip na ibalik, nag-alok ito ng isang mapanganib na plano:
"Let's pretend. You help me with Ashtine, and I'll help you with Andres."
Dapat ay peke lang.
Fake smiles.
Fake moments.
Fake love.
Pero habang lumilipas ang mga araw, nagiging totoo ang dapat ay scripted lang. Unti-unti silang nahuhulog-hindi sa plano, kundi sa isa't isa.
At sa pag-usbong ng damdaming hindi planado, may kapalit ang lahat:
May masisira, may mawawala, at may pusong mababasag.
At sa dulo, kailangan tanungin ni Isabelle ang sarili:
Ipaglalaban ba niya ang pag-ibig na nabuo sa kasinungalingan-
o isa na naman itong masakit na pahina sa kanyang diary?