macaronily
- Leituras 1,176
- Capítulos 3
Magkaibigan noong bata pa. Sabay tumawa, mangarap, at mangakong hindi maghihiwalay. Pero isang araw, kinailangang umalis ng babae sa kanilang probinsya, iniwan ang lahat... pati ang kaibigang minsan ay kanyang sandalan. Walang mahabang paalam, walang kasiguraduhan ng muling pagkikita-isang biglaang pamamaalam na naging tahimik na sugat sa kanilang dalawa. Mula noon, ang kanilang pagkakaibigan ay nanatili na lang sa mga alaala at *what ifs*.
Isang Taglish rom-com na puno ng nostalgia, kilig, at sakit na matagal nang kinikimkim. Habang tinatahak nila ang magkahiwalay na landas ng buhay, muling pagtatagpuin sila ng tadhana sa panahong hindi na sila inosenteng bata-kundi mga taong binago ng panahon, may dalang pangarap, takot, at mga pusong minsan nang nasaktan.
Sa gitna ng awkward na pagkikita, tawanan na may halong lungkot, at damdaming pilit iniiwasan, unti-unti nilang marerealize ang isang masakit pero magandang katotohanan: minsan, ang unang taong minahal mo ang siya ring huling hahanapin ng puso mo-kahit gaano pa katagal ang lumipas.