Eli_elyx
Sa panahong halos lahat ay nakatingin na sa screen kaysa sa mundo, parami nang parami ang kabataang nalululong sa social media, online games, at walang katapusang pag-scroll hindi dahil masaya sila, kundi dahil doon na lang sila nakakaramdam na may pumapansin sa kanila. Sa bawat notification, may konting tuwa. Sa bawat like, may konting pakiramdam na mahalaga sila. Pero sa likod ng ilaw ng cellphone, unti-unting nawawala ang tunay na koneksyon, tunay na damdamin, at minsan... tunay na buhay.
At doon nagsimula ang bagong Color Game.
Hindi sa arena.
Hindi sa kulungan.
Hindi sa lihim na isla.
Kundi sa loob ng cellphone mo.
---
Akala ng mundo, tapos na.
Akala nila, ang Color Game ay isang bangungot na iniwan na sa nakaraan - isang madilim na kwento ng dugo, arena, at mga larong kailangang tapusin para mabuhay. Akala nila, natapos iyon nang bumagsak ang organisasyon, nang malantad ang katotohanan, at nang makalaya ang mga nakaligtas.
Pero ang hindi nila alam...
Ang Color Game ay hindi kailanman nawala.
Nagpalit lang ito ng anyo.
---
Sa Pangalawang Libro, ang laro ay hindi na nangangailangan ng mga maskara.
Hindi na kailangan ng baril.
Hindi na kailangan ng lihim na isla.
Ngayon, ang arena ay nasa loob ng palad mo.
Isang notification.
Isang link.
Isang pindot.
At sa sandaling i-tap mo ang salitang START,
hindi mo na alam kung naglalaro ka pa ba...
o nagsisimula na ang pagkawala mo.