DExplorer8
"Tied by a red string-our paths may twist and tangle, but we are always binded and fated for each other."
Naniniwala ba kayo sa "red string of fate theory?" Ako, oo. It says that two people are destined to be soulmates.
Ako, si Mayumi Hiyas D. Araceo-14, ay isang Grade 8 student. Di ko akalain na sa ganyang edad ko mararanasan ang aking "First time". Ang pagkakatamis at walang kasing tamis na una kong tikim.
Yes, oo. First time ko.
Dahil sa katalandiang taglay, first time ko. First time kong "ma-inlove".
Yes, oo. Tama 'yang nabasa mo. Akala mo kung ano?
Anyway, na-inlove lang naman ako sa isang Kai Benjamin. Matangkad siya, maputi, may kapayatan pero sakto lang, matangos ang ilong, makinis, as in walang pores, mapula ang kaniyang manipis na mga labi, singkit at malalim na mga mata. Higit sa lahat, mayroon siyang malaki, mukhang matigas at umbok na adams apple. In short, gwapo.
Ginawa ko na ang lahat, namanata, nagdasal at dumadayo pa ako sa iba't-ibang simbahan sa mga kalapit naming barangay para ipagdasal na sana balang araw magustuhan at mahalin din niya ako. Na sana balang araw mapansin niya ang isang katulad ko.
Kaya lang, ang road to forever na pinili ko ay rocky road. Bumpy, mabato, makipot at mayroon pang napakahabang pila. Hindi ko alam kung nasa pinakahulihan ba ako o baka nasa bandang gitna na. Sana naman sa bawat effort na ginagawa ko tumaas man lang ang Affinity Level niya para sa akin, kahit 0.25 percent man lang okay na ako.
This is my "knot-so-typical" type of love story. I'll do everything even if I have to untie and cut that absurd string of fate just to have you, attached with mine.
DATE STARTED:
DATE FINISHED: