lazyevns
Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang pinaniniwalaan ni Liam Keile Marasigan-na ang tunay na pagmamahal ay marunong maghintay.
Lumaki siyang kasama si Alia Lein Lakan, ang maingay, makulit, at masayahing batang naging pinakamahalagang tao sa buhay niya. Mula pagkabata hanggang pagtanda, magkasabay silang nangarap, nagtawanan, at nangakong balang araw ay sila ang magkakatuluyan. Ngunit nang aminin ni Alia ang tunay niyang nararamdaman, pinili ni Liam na ilayo ang sarili, naniniwalang iyon ang tanging paraan para hindi maging hadlang sa mga pangarap nito.
Hindi niya alam na ang bawat hakbang palayo ay unti-unting nagtutulak kay Alia sa isang trahedyang hindi na niya mababawi.
Isang sulat. Isang hindi natupad na pangako. Isang "yes" na hindi na kailanman nasabi.
Pagkalipas ng labingwalong taon, dala pa rin ni Liam ang bigat ng pagsisisi at ang pag-asang balang araw ay magigising siyang yakap muli ang babaeng hindi niya kailanman natigilang mahalin. Ngunit nang muling marinig ang kantang minsang naging saksi sa kanilang mga pangarap, isang pamilyar na mukha ang muling gumulo sa mundong matagal na niyang tinanggap.
Ito ay kuwento ng pagmamahal na dumating sa tamang tao ngunit sa maling pagkakataon, ng mga salitang hindi nasabi habang may oras pa, at ng isang pag-ibig na kahit pinaghiwalay ng kamatayan... ay patuloy pa ring naghihintay.