santiaaria
SIP:
Ariah Yvette Mendez, ang labing-siyam na taong gulang na dalagang gustong-gusto nang magka-boyfriend dahil sa halos dalawang dekada niyang nabubuhay sa mundo ay ni minsan, hindi niya pa nararanasang magka-boyfriend.
Lahat na ng mga kaibigan niya ay nagkaroon na ng boyfriends samantalang siya? 'Ayon, nganga!
Pero magugulantang nalang siya, dahil isang araw, makikita niyang naka-tagged siya sa isang status ng hindi niya kilalang lalaki.
'Ian Brent Torres is now In a Relationship With Ariah Yvette Mendez'
Like what the hell?!
Blessing in disguise ba ang nangyaring 'yon o magiging hudyat 'yon ng pagbabago ng kanyang tahimik at simpleng buhay?