boblibee
Shaina Alameda, isang mapagmahal na anak. Gagawin ang lahat para matulungan ang kanyang pamilya. Sa kasamaang palad ay na hospital ang kanyang pinakamamahal na ina kaya kailangan niyang makahanap ng matinong trabaho, ngunit dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay kahit isa ay wala sa kanyang tumatanggap.
Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa buhay n'ya, noong naging personal assistant siya ng isang sikat na sikat na modelo.
Pero makayanan n'ya kaya ang napakasamang ugali nito?
Keinon Lexus Reigan, a very famous model. He won a multiple awards in his field. Dahil sa isang proyekto ay kailangan nitong umuwi sa Pilipinas.
His body built is amazingly beautiful, it's like a greek god. Kilala s'ya hindi lang sa ibang bansa kung hindi pati na rin sa Pilipinas. He's very good at modeling that's why every company want him to be their model. Napakaraming babae ang humahanga sa kanya pero wala siyang pakialam dito. Mas gugustuhin niya pang matulog kesa ang makihalobilo sa mga babaeng naghahabol sa kanya.
Ang gusto n'ya lang ay magtrabaho ng payapa at tahimik. Ngunit sa pag-uwi n'ya ng Pilipinas ay makikilala n'ya si Shaina Alameda, isang babae na wala ng ginawa kung hindi ang painitin ang ulo n'ya. Para itong isang langaw na umaaligid sa kanya. She's a total disaster to his peaceful life.
Pero paano kung isang araw ay ma-realize n'ya na ang babaeng ito na kinaiinisan n'ya ay siya pa lang gigising sa natutulog niyang puso?
Na handa niyang gawin ang lahat para makasama lang ang babae kahit pa ang kapalit nito ay kalungkutan.