Dyliah0719
Charity Aeris Reyes-isang simpleng probinsyana na lumaki sa barangay San Felipe-akala niya simpleng buhay lang ang nakatakda para sa kaniya: tumulong kay Lola Mirasol, makipagtsismisan kay Paeng, at mag-parttime bilang sa isang barista sa cafe. Pero isang araw, may dumating na mamahaling kotse na magpapabago sa buong mundo niya.
Ang sabi ng lalaking lumabas:
"Miss Charity Reyes? Ang pamilya mo... matagal ka nang hinahanap. Torrealba ang tunay mong apelyido."
Ngayon, mula sa alikabok ng kalsada, bigla siyang inilagay sa gintong mundo ng mga Torrealba-isa sa tatlong pinakamalakas na mafia families sa bansa.
At doon niya nakilala si Matteus Noir Roman, anak ng kalabang pamilya. Gwapo, mayaman, matalino, pero... nakakainis.
Ang masaklap? Classmate niya ang lalaking iyon.