mr_jameswrite
TITLE: Torpe
GENRE: Teen Fiction / Romance / Comedy
Hindi inaasahan ni Jasper Jean Mariano na ang unang araw niya sa Clark University ay magsisimula sa isang "kape-tastrophe." Isang mamahaling polo shirt lang naman ang naburaan niya ng iced coffee-at malas niya dahil pagmamay-ari ito ng pinaka-hambog na lalaki sa campus: si Mark Kiefer Watson.
Sa mundong puno ng bardagulan at asaran, paano lalaban ang isang Jasper Jean kung ang bawat banggaan nila ni Kiefer ay tila naglalapit sa kanilang dalawa?
Sabi nila, opposites attract. Pero sa Clark University, bago ang pag-ibig, kailangan muna nilang lagpasan ang pride, ang mga mapanirang plano ng grupo nina Sam at Amethyst, at ang pinakamahirap sa lahat... ang pagiging TORPE.
Isang kwento ng pagkakaibigan, asaran, at mga damdaming pilit itinatago sa likod ng mga matatalim na salita.
⚠️ DISCLAIMER
PLAGIARISM IS A CRIME.
Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa pangalan ng tao (buhay man o patay), lugar, o pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Warning: Naglalaman ng kaunting "bardagulan" at katatawanan na baka makasira ng inyong panga.
All Rights Reserved 2026.
Story by: James Aquino