Masayoshi_Riseru
Nabuo sa panahong mas pinili ko nalang isulat ang aking nadarama, kaysa ipahayag pa sa iba. Ito ay mga tulang nailimbag ko sa pamamagitan ng aking malikhaing isipan, at nilaro ng puso kong naninindigan. Bunga ng aking masidhing damdamin, alay sa isang nilalang, at marahil sa pagnanais na ito'y magawa. Hangad ko na ang aking katha ay yumakap sainyong puso't isipan at kumutan kayo ng init ng aking mga letra.