Ixshinojie
Sa loob ng Saint Agnes, isang university na mukhang normal sa labas pero puno ng lihim at sugat sa loob, bumlik si Alira - tahimik, sarado, at may tinatagong sakit na hindi niya kayang sabihin.
Hindi siya naghahanap ng kaibigan. Hindi siya naghahanap ng kaligtasan. Pero nakilala niya si Cale. Si Cale - magulo, chill guy, impulsive, at parang apoy na pwedeng magpainit... o manunog.
At ang dating best friend ni Alira na si Irae - kalmado, tahimik, pero masyadong mapagmasid... parang alam niya ang mga bagay na hindi sinasabi. Habang lumilipas ang mga araw, nabuo ang isang komplikadong connection sa pagitan nilang tatlo - puno ng tension, salos, inis, at mga damdaming hindi kayang aminin.
Si Cale ang naging panakas ni Alira, habang si Irae naman ay unti-unting nahuhulog sa isang bagay na hindi niya dapat maramdaman dahil pareho silang babae ni Alira.
Sa gitna ng lahat, unti-unting lumalabas ang mga sikreto - tungkol sa nakaraan ni Alira, sa pagkawala ng kapatid niyang si Theo, at sa madilim na katotohanan sa likod ng Ruin Club, isang grupong gumagawa ng delikadong dares for thrill.
Habang lumalala ang lahat - relasyon na nagiging toxic, damdaming hindi masabi, at mga desisyong hindi na mababawi - nagsisimulang mabasag ang lahat ng akala nilang kaya nilang kontrolin.
At sa isang gabing puno ng ulan, dugo, at sigaw... may isang pagbagsak na hindi na maibabalik. Sa huli, hindi lahat ng pagmamahal ay tama. At hindi lahat ng katahimikan ay walang ibig sabihin. Minsan, ang hindi mo sinabi... ang siyang pinaka-nakasakit. At kahit tumunog muli ang kampana- hindi na pareho ang mga taong makakarinig nito.