ssyssy1717
Sa loob ng maraming taon, may isang babae na masayahin, palakaibigan, at expressive. Pero pagdating sa feelings niya, hindi siya direktang umaamin... nagpapahalata lang. Sa tingin, sa biro, sa effort-halos lahat napapansin... except yung guy na matagal na niyang crush.
Habang tumatagal, nagbago ang lahat. Yung guy, nagkaroon na ng sariling pamilya at masaya na sa iba. At siya, naiwan sa mga bagay na hindi niya kailanman nasabi nang buo.
Masakit, pero pinili niyang mag-move on. Kasi alam niya, balang araw may darating na para sa kanya, yung hindi niya kailangang iparamdam, kasi kusa siyang pipiliin.