Hibiscusthewriter
Traffic, hindi nanaman maka-usad? Paano nga ba talaga? Madalas ang traffic dahil siksikan, bakit? Gusto ng lahat ang umusad, kahit mabara na ang iba, gagawin ang lahat para lang makatakas sila. Ayos lang, kahit kailan 'di naging madali ang umusad-lalo na't kung minahal mo talaga.
Dadating ang araw na gagaan ang lahat, pero sadyang hindi makakalimutan ang sakit. Normal lang talaga 'yan, at sa una lang talaga masakit. Pag tumagal at na tanggap mo na ang lahat, mas lalo ka makukuntento kung ano'ng meron ka at kung sino ka.
"Usad na, or babalikan pa? Malay mo, nagbago na? Syempre, bakit namang hindi susugal ulit kung nagbago na siya bilang mas mabuti kaysa sa dati? Take the risk, or lose the chance..."