SenyoritaClavel
Isang mundong payapa ang mabubulabog sa isang pangyayaring walang sinumang mag-aakalang mangyayari. Sapagka't ang kuwentong hindi makatotohanan sa mundo ng mga tao ay mangyayari. Magaganap ang propesiya, ang propesiyang isinumpa na kung saan ang dalawang mundo ay magiging isa sa pagsapit ng duyog.
Selene Acosta, ang babaeng napili sa propesiya na siyang naninirahan sa mundo ng mga tao, simula ng bata pa siya ay alam na niya ang tungkol sa propesiya at ang tungkulin niya bilang isa sa mga napili. Isa siyang ulila at ni isang kamag-anak ay wala siyang kilala. Gabi-gabi ay walang humpay ang kaniyang mga panaginip tungkol sa propesiya na tila ba inihahanda siya nito sa paparating na delubyo.
Sa kaniyang panaginip nakikita niya ang isang babae na naka suot ng puting bestida ngunit hindi niya kita ang mukha nito, araw-araw ipinapaala-ala ng babae sakanya ang mga bagay na kailangan niyang gawin upang malagpasan ang mga problemang kaniyang kakaharapin, ngunit paano kung ang propesiya na kaniyang matagal ng pinaghahandaan ay kaniyang makalimutan sa hindi malamang dahilan? Paano niya malalagpasan ay mga pagsubok na kaniyang kakaharapin sa pagsapit ng itinakdang araw sa propesiya?
PAALALA: Ang mga pangngalan
(noun) na inyong mababasa sa kuwewntong ito ay walang kinalaman sa kahit sino man, sa kahit saang lugar, at sa kahit anong pangyayari. Sapagka't ang kuwentong ito at ang mga tauhan, lugar at pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Salamat sa inyong malawak na pang-unawa. HAPPY READINGS!!