celinapokerat
Sa isang mundo kung saan ang pera at impluwensya ang nagtatakda ng lahat, si Celestine Valera, isang ordinaryong estudyante, ay napilitang pasukin ang buhay ng mayaman at kilalang si Damian Monteverde. Labag sa kanyang puso, ipinapasa siya sa isang kasal na sa papel lang-pero paano kung sa bawat araw na lumilipas, unti-unti niyang nakikilala ang lalaking dati'y malamig at walang pakialam?
Mula sa pang-aapi sa unibersidad, cyberbullying, at patuloy na pang-aalipusta, hanggang sa unang yakap, kilig, at mga lihim na pag-uusap sa dilim-makikita ni Celestine na ang puso ni Damian ay mas kumplikado kaysa sa iniisip niya.
Sa mundo ng yaman, kasikatan, at kapangyarihan... saan nga ba papasok ang tunay na pag-ibig?