mssaixie
Simple lang si Yumi.
Simple ang buhay, simple ang pangarap. Kahit apat sa pinakamayayamang tagapagmana sa Cheng University ang matalik niyang kaibigan, never niyang hinayaang baguhin ng pera o status ang pagkatao niya.
Isa sa mga ito si Miguel Gavin Cheng-ang undisputed leader ng F4 at ang childhood best friend niyang halos buong buhay na niyang kasama.
Sa buong campus, iisa lang ang pagkakakilala kay Migo.
Gwapo.
Mayaman.
Untouchable.
At ang lalaking walang sinumang gustong makabangga.
Kapag nagalit si Migo, walang gustong mapunta sa radar niya. Kilala siya ng lahat dahil sa malamig niyang titig, walang awang paghihiganti, at sa "beast" na personalidad na lumalabas kapag may nagkamali sa kanya o sa mga taong mahal niya.
Pero ang hindi alam ng lahat...
May isang side si Migo na si Yumi lang ang nakakakita.
Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-soft, kaalaga, at ka-protective si Migo kapag silang dalawa lang ang magkasama.
Akala ni Yumi, kilalang-kilala na niya ang matalik niyang kaibigan.
Pero paano kung isang araw, mapagtanto niyang hindi lang pala ang soft side ni Migo ang matagal nang nakatago...
Kundi pati ang totoong nararamdaman nito para sa kanya?
When friendship starts to blur into something more...
Will they risk everything for love-
or lose the only friendship they've ever known?
***********************
Hi, Readers! 🤍
This story is inspired by the classic Boys Over Flowers/Meteor Garden, but with my own twist, original storyline, and characters. Lumaki akong kinikilig sa classic F4, kaya gusto kong gumawa ng version na may nostalgic feels pero may sariling puso at kuwento.
I hope you'll laugh, cry, get frustrated, and fall in love with Yumi and Migo just like I did.
Happy reading!
- MsSaixie ♡