eizalaya
No truth will slip from those windows. The truth is visible, it cannot hide.
Nang makawala si Helga sa mundong nagkukulong sa kaniya, nakita niya muli ang liwanag ng buhay. Masyado siyang naligaw sa kasinungalingang nabuo sa isipan sa matagal na panahon. At ang kasinungalingan na 'yon ang nagmumulto sa kaniya kaya hindi niya kayang pumiglas.
Ngunit nang muling madampian ng sinag, nakawala na siya, wala na ang tinik sa puso at panatag na ang isip. Muli itong sinakop ng bagyo sa muling pagtatagpo nila ng lalaking dapat ay nalimot na ng kaniyang isip, ngunit kinabisado ng kaniyang puso.
Doon na muling gumuho ang buhay niya. Bumalik sa kaniya ang baha ng alaala nilang dalawa.
Sa pagkakataong ito, magagawa na ba niyang ilahad ang totoo laban sa hindi? Magagawa niya kayang buksan muli ang bintana ng kaniyang puso?
-Window of Heart