LadyErine26
Ito ay kwento ng dalawang taong nagkakilala lamang sa Social Media(Facebook).
Si " K" ay may mabuting kalooban isang babaeng Mapagmahal, malambing, sweet, higit sa lahat ay Maganda. Mula pagkasilang sa kanya ay mayron na siyang Natatanging Kagandahan. Nangyari pa na siya'y muntik ng makidnap dahil napag interesan ito sa sobrang gandang Bata.
Nung siya'y Magdalaga naman Napakaraming Lalaki ang nagagandahan at nahuhumaling sa kanya sa kanilang Buong Lugar. Ipinagmamalaki pa siya ng lahat dahil bukod sa maganda ay Napaka Talented na Bata nito, at syempre Matalino rin. Maraming manliligaw ngunit si K ay hindi naging interesado..
Marami ang kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya lalo sa mga litrato niya sa Facebook na talagang kinahuhumalingan kaya't marami ang nag a-add sa kanyang Facebook account, ngunit siya ay mapili sa kanyang kakaibiganin. At hindi rin siya mahilig na makipag-close sa kung sino lalo sa Social Media na sa Chat lang nakikilala. Mahilig siyang magtaboy ng mga nagchachat sa kanya, sinasabihan niya ang mga ito na wala siyang balak makipag-kaibigan.
Hindi siya katulad ng ibang kababaihan na Naghahabol pa sa lalaki o nagpapapansin magkaron lamang ng Love Life.. Sapagkat alam niya sa kanyang sarili na marami pa siyang makikilalang mas Better dahil hindi naman siya mauubusan ng Lalaki sa Mundo.
...