Lehlia_Esteria
"Hindi lahat ng system error, kayang ayusin ng code lang."
Si Zeryn Elise Valerama ay isang "Darkness" na binalot ng sampung taong trauma. Mula elementary hanggang high school, naging punching bag siya ng mga kaklase niyang walang ginawa kundi sirain ang gamit at pagkatao niya. Sa tindi ng bullying at sa kontrol ng ex niyang si Dreiz, muntik na siyang sumuko sa buhay.
Ngayong college, pilit siyang bumabangon kahit maingat na sa pagtitiwala. Pero sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa mga multo ng nakaraan, darating si Aeilyon Jace Santillan-ang "Light" na magpapatunay na hindi lahat ng tao ay mananakit.
Kaya bang burahin ng liwanag ni Aeilyon ang mga sugat na iniwan ng iba, o mananatili na lang si Zeryn na isang broken code sa mundong ito?