IAmYourImagination
Sa paanan ng Sierra Madre sa Luzon, isang batang babae ang nawala sa gitna ng malakas na bagyo. Walang nakakaalam kung saan siya nagmula, at mas lalong walang nakakaalam kung bakit siya tila "may halaga" na hindi dapat basta-basta mawala. Dinala siya sa isang simbahan, inalagaan ng isang pari, at pinalaki sa gitna ng pananampalataya at simpleng buhay-malayo sa mundo ng kapangyarihan na matagal nang umiikot sa kanyang tunay na pangalan.
Lumaki siya bilang si Amara Ysabella de la SantΓsima Cruz, isang dalagang sanay sa hirap, dasal, at tahimik na pangarap. Pero habang tumatagal, may mga piraso ng nakaraan na pilit bumabalik sa kanya-isang locket na walang malinaw na pinanggalingan, mga taong tila kilala siya pero biglang umiiwas, at mga pangyayaring hindi na basta coincidence. Hanggang sa isang araw, mabangga niya ang isang mundo na hindi niya dapat pinapasok.
Sa kabilang panig ng kapalaran, naroon si Rajah Alejandro Vicente Monteverde de AlcΓ‘ntara-ang tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Maharlika. Sa simula, isa lang siyang estranghero sa buhay ni Amara, pero sa bawat pagkikita nila, mas lumalalim ang koneksyon na hindi nila maintindihan. Hanggang sa unti-unting mabunyag ang katotohanan na matagal nang tinatago-hindi lang siya basta ulila... may dugong maharlika na pilit itinago ng kasaysayan.
Pero hindi lahat ay handang tanggapin ang katotohanan. Sa mundo ng mga Datu, Lakan, at Dayang, ang kapangyarihan ay hindi basta ibinibigay-ipinaglalaban ito. At habang papalapit si Amara sa kanyang tunay na pagkatao, mas lalo ring lumalapit ang panganib, pagtataksil, at mga taong handang wasakin siya para manatili sa trono.
Sa gitna ng pag-ibig, lihim, at laban sa kapangyarihan, kakayanin ba niyang yakapin ang pagiging Dayang na matagal nang nawala? O mananatili siyang batang kinuha ng bagyo-isang buhay na sana'y hindi niya dapat kinagisnan?
Isang kwento ng pagkawala.
Isang kwento ng pagbabalik.
At isang kwento ng isang Dayang na babangon mula sa wala... patungo sa koron