SEAN_RY
Apatnapu't tatlo. na estudyante. Isang seksyon. Napakaraming sikreto.
Sa unang tingin, ordinaryong klase lamang ang Section Andro. May magkakaibigang matagal nang magkakasama, may mga bagong pagkakaibigan, may mga lihim na pagtingin, mga relasyong pilit itinatago, selos, tampuhan at mga bagay na ayaw nilang ipaalam sa isa't isa.
Ngunit may isang bagay na hindi nila alam.
Hindi aksidente kung bakit sila ang pinagsama-sama.
Habang unti-unting nabubunyag ang mga sikreto ng bawat isa, napapansin nilang may mga pangyayaring tila konektado sa dating Section Andro-isang seksyong matagal nang ipinagbabawal pag-usapan ng paaralan.
Bakit sila pinili?
Ano ang tunay na nangyari sa dating Section Andro?
Sino ang nagsisinungaling?
Sino ang nagtatago?
At sino sa kanila ang taksil?
Sa isang klase kung saan kahit ang pinakamalapit mong kaibigan ay maaaring may itinatago, paano mo malalaman kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan?
Dahil sa Section Andro, hindi lahat ng lihim ay kusang nabubunyag. Minsan, kailangan muna itong sirain ang buong klase.