halcyonkiyo
Mga Tula na nangaling sa 'king isipan,
Inuukit nito ang pahina sa ating nasimulan.
Titigil ang bawat letra binubuo nito,
Simula no'ng ako'y iyong iniwan.
Kapag ang puso'y nadungisan,
Mga tula sa isipan ay masisilayan,
Ang libro na 'di pangkasaysayan,
Damdamin muli matu-tunghayan.
Tulang isinulat mula sa isipan,
Mga bagay na gustong makamtan,
Kinikilala ang bawat nilalaman,
Mula man sa saya o hantungan.
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: sa karamihan, ang bawat nilalaman ay mula sakin lamang, mga pagkakamali sa gramatiko'y 'di maiiwasan kaya mga 'di wastong teksto ay igalang.