UNODEPEBRERO
"I build empires. I don't build feelings. But for her, I might just break my own rules."
Si Calyxie "Cali" Salvador ay isang simpleng taga-Tondo na may simpleng pangarap: sumahod nang tama, makatikim ng 13th-month pay, at mabuhay nang tahimik kasama ang kanyang kape. Pero nagbago ang lahat nang mag-apply siya bilang personal assistant sa pinaka-misteryoso at pinaka-kinatatakutang CEO ng Valderosse Global-si Dark Cale Valderosse.
Si Dark ay parang kape niya: matapang, malamig, at walang asukal. Sa ilalim ng kanyang bilyonaryong imahe ay isang mundong puno ng sikreto at panganib. Siya ang "Dark" ng underworld, at ang tanging batas niya ay: Strictly Business.
Pero hindi ordinaryong assistant si Cali. Sa bawat barado niya sa kasungitan ni Dark at sa bawat pagtitimpla niya ng 3-in-1 coffee sa gitna ng mga mamahaling espresso, unti-unti niyang binubuwag ang pader ng kanyang boss.
Ang hindi alam ni Cali, siya ang huling piraso ng isang mapanganib na puzzle na tinatawag na "Project Glass." Siya ang susi sa isang lihim na kayang magpabagsak ng mga imperyo.
Sa gitna ng putukan, habulan, at mga gabing puno ng tensyon sa ilalim ng iisang kumot, kailangang pumili ni Dark: ang protektahan ang kanyang legacy, o ang aminin na ang tanging asset na hindi niya kayang mawala ay ang babaeng nagturo sa kanyang tumibok ang puso?
In a world where trust is a liability, love is the most dangerous transaction.