JaiysWrites
Ang pag-ibig, sabi nila, ay hindi namimili. Hindi ng lugar, hindi ng kasarian, at lalong hindi ng relihiyon. Ngunit ang mundong ginagalawan nila, Sa isang pagkakataong hindi nila inaasahan, nagtagpo ang dalawang pusong hindi dapat nagkakilala, dalawang taong magkaiba ng paniniwala, pinalaki ng magkaibang mundo, at itinadhanang manatili sa kani-kanilang hangganan. Ngunit sa kabila ng lahat, may kung anong tahimik na puwersang naglapit sa kanila-isang koneksyong hindi maipaliwanag, isang damdaming unti-unting naging totoo.
Hindi ito iyong uri ng pag-ibig na malaya.
Hindi ito iyong pag-ibig na madaling ipaglaban. Dahil sa bawat titig, may kasamang takot.
Sa bawat paglapit, may kaakibat na panganib. At sa bawat pagpili sa isa't isa, may kapalit na posibilidad na mawala ang lahat-pamilya, paniniwala, at ang mundong kinalakihan nila.
Paano mo pipiliin ang taong mahal mo kung ang kapalit nito ay ang mga taong unang nagturo sa'yo kung paano magmahal? Paano mo hahawakan ang isang pag-ibig na mula pa lang sa simula ay hindi na pinapayagan?
Sa pagitan ng tama at dapat, puso at paninindigan, ng pag-ibig at obligasyon doon sila sinusubok. Dahil minsan, hindi sapat ang mahal niyo ang isa't isa. Minsan, kahit siya na ang tamang tao... kung mali ang panahon, kung mali ang pagkakataon, mas kinakailangan mong matutong bumitaw.
Dahil hindi lahat ng pag-ibig ay itinadhana para magtagal. Ang iba, itinadhana lang para maramdaman o masubukan at nauuwi... Sa masakit.
Its called. "You were the right person... just not at the right time."