Hera_vouganvillez
"Akala nila laro lang ako. Akala ko laro lang siya."
Sa lahat ng babae sa campus, wala pang tumanggi kay Xander Villanueva. Gwapo, matalino, at higit sa lahat-may halina't kumpiyansa na kahit sino, kayang mapaikot sa isang ngiti lang. Sanay siyang maging dahilan ng kilig at pagkawasak. Para sa kanya, relasyon ay laro. Ligawan, halikan, iwanan.
Pero lahat nagbago noong dumating siya-si Liana Ferrer. Isang nursing student na may matalim na mata at mas matalas na bibig. Isang babaeng hindi naaapektuhan ng kanyang ngiti. Hindi nahuhulog sa matatamis na salita. Hindi natitinag kahit pa buong campus na ang naghuhumiyaw ng pangalan niya. Sa mata ni Liana, si Xander ay isa lang sa maraming lalaki na hindi dapat pagkatiwalaan.
At dahil doon, naging hamon siya.
Isang pustahan. Isang laro. Isang patibong.
Hanggang sa siya na mismo ang nahulog.
Hanggang sa ang laro ay naging totoo.
Hanggang sa siya na ang nasaktan.
Kasi minsan, ang pusong sanay manakit... siya rin pala ang mas unang masisira.