julllsss_
Meet the Campus Heartthrob ng Everest Academy.
Heath Collins.
Isa sa kinababaliwan ng buong Campus, hindi lang siya anak mayaman, gwapo siya, matalino, magaling sa Martial Arts, Sports at sa pag tugtug ng gitara isa rin sa pinakahobby niya.
Pero kabilang banda meron din siyang ugali na hindi mo magugustuhan. Mayabang, masungit, mapride at hindi mo nanaisin na mabangga mo ang isang katulad niya dahil kung mangyare yun hindi ka niya titigilan. Madaling mapasama ang loob niya, pero kapag nainis, grabe ang dating-parang bagyong hindi mo inaasahan.
Sa kabila ng lahat, may kakaibang charm din siya na kahit na may flaws, hindi mo maiwasang mapatingin, mapangiti sa kanya at humanga. Maraming nagsasabing may MISTERYOSO sa LIKOD NG NGITI niya, at may mga nagtataka kung sino ang MAKAKAKITA sa TUNAY na si Heath Collins.
Ngayon, isang tanong lang ang nasa isip ng lahat: SINO ANG MAKAKA-HACK SA PUSO NG ISANG CAMPUS HEARTTHROB?