authorvelisse
Description:
Sa loob ng magarang pader ng Crimson High University, hindi lang karunungan ang hinahanap ng mga estudyante-kundi katotohanan, pag-ibig, at mga lihim na pilit tinatago sa ilalim ng kanilang mga ngiti.
Para kay Luna Arcilla, ang pagiging transferee ay simula ng panibagong buhay. Ngunit sa unibersidad na ito, bawat ngiti ay may halong pagtatago, at bawat alaala ay tila banta.
Hanggang sa makilala niya si Raven Velarde, ang misteryosong estudyante na tila alam ang mga bagay na hindi dapat malaman ng kahit sino.
At sa pagitan ng mga halakhak sa hallway at mga matang nagtatago ng lungkot, magsisimula ang isang kuwento ng pag-ibig, alaala, at mga multong gising.