Your_Laineeyyyy
Akala niya, isa lang 'tong simpleng crush.
Isang tingin, isang kilig lang tapos lilipas din naman.
Pero paano kung sa pinaka nakakahiya at pinaka ordinaryong araw... doon pala magsisimula ang lahat?
Sa gitna ng kulitan, like awkward moments, at mga gabing hindi matapos tapos ang usapan, unti-unting nahulog si Laine sa isang taong hindi niya inaasahan. Isang taong kayang gawing mas magaan ang mundo niya sa simpleng "ingat ka" at "miss na kita."
Kasama ang bestfriend niyang si Thea, na laging handang mang asar pero totoo sa pag aalaga, mas lalong naging makulay ang kwento ng pag-ibig na hindi planado... pero totoo.
Pero habang lumalalim ang nararamdaman, kasabay rin nito ang tako takot na baka isang araw, mawala ang lahat na parang panaginip lang.
Hanggang saan kayang panindigan ang isang pag-ibig na nagsimula sa kilig...
at nauwi sa isang bagay na hindi na kayang bitawan?
Isang kwento ng unexpected love, at puso na handang sumugal kahit hindi sigurado sa ending.
Dahil minsan... yung hindi mo inaasahan, yun pa yung mananatili. 💗