my_shamo
Para sa aming pamahalaan,
Akala namin ay maaasahan,
Ngunit sila rin ang nagsisimula ng kasamaan,
Bawat proyekto may nakawan.
Bawat buwan may isyung nalalaman,
Flood control ang unang ninakawan,
Baha dito, baha doon,
Lahat ng Pilipino nagdurusa dahil sa proyektong
akala namin ay magdudulot ng maganda.
Impeachment ng bise presidente ang pinagkakaguluhan ngayon,
Kasamaan dito, kasamaan doon,
Ibinoto ngunit inakala'ng may masama sa kanyang ginawa,
Bawat galaw, bawat salita, kasamaan ang inaakala
Pax Silica ang isyung umuusbong,
Dahil ito daw ay may magandang dulot,
Maganda nga ba ang maidudulot?
O magbibigay ng krisis sa mga magsasakang nasa bundok.