xmidnightsoul
Sa likod ng tagumpay, promotions, at magagarang opisina ng fintech company na Mudra Pay, may isang lalaking tahimik na nilalamon ng sarili niyang isip.
Si Luis Villareal ay isang mahusay na IT engineer na halos ialay na ang buong buhay niya sa trabaho at pamilya. Habang papalapit ang pangarap niyang maging CTO, mas lalo namang lumalala ang kanyang depression, anxiety, at takot na baka hindi siya sapat.
Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, pamilya, at pilit na ngiti, sinusubukan niyang lumaban araw-araw. Ngunit nang maagaw sa kanya ang promotion na matagal niyang pinaghirapan, unti-unting nabasag ang kanyang pagkatao.
Habang lumalalim ang kanyang pag-iisa, nagsimula niyang harapin ang isang "halimaw" ang madilim na bahagi ng sarili niyang binubuo ng galit, pagod, at kawalan ng pag-asa.
Ang Halimaw sa Loob Ko ay isang mabigat at emosyonal na kuwento tungkol sa pressure ng tagumpay, mental health, pamilya, pagkakaibigan, at sa tahimik na laban ng mga taong mukhang matatag sa paningin ng lahat.
Isang kuwento ng pagkapagod.
Pagkawasak.
At ng mga salitang minsang hindi na nasasabi hanggang sa huli.
"Ang pinakamapanganib na halimaw ay hindi laging nakikita. Minsan, nakatago ito sa likod ng ngiti ng taong akala nating pinakamalakas."
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng agarang tulong tungkol sa depression, anxiety, o suicidal thoughts, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotline sa Pilipinas:
HOPELINE Philippines
0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
(02) 8804-4673
Emergency
Kung may immediate danger o may taong posibleng saktan ang sarili:
Tumawag agad sa 911
O pumunta sa pinakamalapit na ospital o emergency room
Hindi kailangang mag-isa sa laban na ito. Kahit simpleng pakikinig o pag-abot ng tulong maaaring makapagligtas ng buhay.