Ralph_stories
Si Anna, isang babaeng lumaki sa hirap at pangungutya, ay sanay nang marinig ang masasakit na salita tungkol sa kanyang mukha at pagkatao. Iniwan sila ng kanyang ama kaya ang kanyang ina lamang ang naging sandigan at nagmahal sa kanya nang buong puso. Ngunit sa isang mundong mapanghusga, tila kasalanan ang pagiging mahirap at hindi kagandahan.
Habang lumalaki, araw-araw na kinukutya, pinapahiya, at inaapi si Anna ng mga tao sa paligid niya-lalo na ng kanyang mortal enemy na si Selene, isang sikat at magandang babae na ginawa ang lahat upang sirain ang kanyang buhay. Mula sa pambubully hanggang sa matinding kahihiyan, tiniis ni Anna ang lahat alang-alang sa kanyang ina.
Ngunit isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya nang magkasakit nang malubha ang kanyang ina. Lumapit siya sa maraming tao at nagmakaawang humingi ng tulong upang maipagamot ito, ngunit walang sinuman ang tumulong o naawa sa kanya. At nang mawalan siya ng nag-iisang taong tunay na nagmamahal sa kanya, tuluyan nang nagbago si Anna.
Mula sa sakit, luha, at galit... isinilang ang bagong Anna-isang babaeng mas matapang, mas misteryosa, at mas maganda kaysa dati. Isa-isa niyang haharapin ang mga taong sumira at umapak sa kanyang pagkatao upang iparamdam sa kanila ang sakit na minsan niyang tiniis.
Ngunit sa kabila ng kanyang paghihiganti, nanatili pa rin ang kabutihan sa kanyang puso. Dahil sa likod ng kanyang bagong mukha at malamig na paghihiganti... ay isang babaeng minsang nasaktan, iniwan, at naghangad lamang na mahalin.