roxceess
Dahil sa isang pagkakamali, halos nawala ang lahat ng mga importanteng bagay sa kanya lalo na tiwala ng kanyang mga mahal sa buhay noon. Ang pangyayaring iyon ay tila bumabangungot sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Para maitama ang pagkakamali, kailangan niyang magpanggap na nerd at itago ang kanyang tunay na katauhan para maibalik ang naagaw sa kanilang pamilya at para matalo ang tunay na kalaban. Magiging matagumpay kaya ang kanyang misyon? Oh baka naman ang misyon na iyon ang magpapabagsak sa kanya?