violetjace
Prinsesa Elara, ang taga-pagmana ng Kaharian ng Raniag (Kaharian ng mga Engkanto ng Liwanag), ay nabubuhay sa ilalim ng matibay na Batas ni Bathala: "Ang liwanag ay para lang sa liwanag, at ang dilim ay para lang sa dilim."
Sa nalalapit na Ritwal ng Reflectum, isang sagradong seremonya na magbubunyag sa kanyang itinakdang katambal upang panatilihin ang kaayusan, nakahanda si Elara na tanggapin ang sinumang Engkanto ng Liwanag na ipapakita ng salamin.
Ngunit nang magpakita ang Reflectum, hindi gintong sinag ang sumalubong kay Elara. Sa halip, isang purong itim na repleksyon ang biglang lumabas, nakakatakot, nakakakilabot, parang walang hangganan na dilim.
Sino ang itinakdang katambal na ito na may marka ng kadiliman? At handa ba si Elara na suwayin ang matagal nang kaayusan ng Raniag para sa isang pag-ibig na nakatatakda ngunit ipinagbabawal?