rockzwell
"Karen was a mistake," bigla niyang sinabi.
Ang mga salitang 'yon ay parang isang patak ng yelo na dumaloy sa gulugod ko. Natahimik ako. Ang mga daliri kong may hawak na aspile ay nanigas sa ere.
"Eight years ago, noong bigla kang nawala... doon ko lang narealize kung gaano kalaki ang nawala sa akin," he continued, his voice thick with regret. "Akala ko noon, kailangan ko ng isang taong tulad ni Karen para maging normal. Para umayon sa standards ng ibang tao. Pero noong nawala ka... nawalan ng kulay ang lahat. Nawalan ng saysay yung mga jokes ko, kasi wala na yung taong pilit na tumatawa kahit corny."
Kumuyom ang mga kamao ko. "Stop it."
"Hindi ako tumigil sa paghahanap sa'yo, Cleo," humakbang siya ng isa pa palapit, hanggang sa maamoy ko na ang hininga niya. "I broke up with her because it wasn't fair. Hindi siya ang gusto kong kasama. At alam kong naging gago ako. I was young, I was stupid, and I took my best friend for granted."
"I said stop it!" itinaas ko ang kamay kong may aspile, parang pinoprotektahan ang sarili ko. "Wag mo akong gagawing collateral damage ng character development mo, Weston! Ako 'yung nawasak noon! Ako 'yung naiwan mag-isa! At ngayon babalik ka rito, mag-iiwan ng note sa kape, at aasa kang okay na ang lahat dahil narealize mong tanga ka?"
Tumulo ang isang luha mula sa mata ko. Fuck. Ang mahal ng concealer ko. Mabilis ko itong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.
Tiningnan niya ako, puno ng sakit ang mga mata. Dahan-dahan, itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang braso ko na may hawak na aspile. Ibinaba niya ito nang marahan.
"Hindi ko inaasahang maging okay ang lahat," bulong niya, his thumb gently brushing against my wrist. "Gusto ko lang patunayan sa'yo na hindi na ako ang Weston na nakilala mo noon. Na kaya kitang piliin araw-araw, kung bibigyan mo ako ng pagkakataon."