mikhayiyl24
Isang kwento ng masasarap na kainan, cozy na kapehan, at mga hindi inaasahang pagkakatagpo sa City of Love-ang Iloilo City.
Para sa kanya, ang pagluluto ay isang sining ng pagpaparamdam ng alaga. Bagamat hindi siya direktang nasa larangan ng culinary arts, paborito niyang past-time ang pagtuklas ng mga bagong restawran at pagtambay sa mga cafe. Ang bawat pagbisita ay nagsisilbi niyang pahinga at retreat mula sa nakakapagod na trabaho at sa maingay na mundo. May personal din siyang ritwal matapos kumain: ang mag-iwan ng tapat at mabilisang rating na isinusulat sa tissue para sa bawat platong kanyang natitikman.
Sa bawat paboritong kape at lutong-bahay na recipe na kanyang dinadayo, nakagawian na niyang sukatin ang buhay sa pamamagitan ng lasa at timpla. Subalit magbabago ang kanyang simpleng routine nang makatagpo siya ng isang taong magbibigay ng kakaibang kulay at lasa sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Sa gitna ng amoy ng bagong giniling na kape, ang hanging baon mula sa biyahe sa karagatan ng Guimaras at Iloilo, at ang mga nakatagong kwento sa likod ng bawat kainan, matututunan niya na may mga paboritong lasa na hindi lang basta kinakain... kundi natatagpuan kasama ang tamang tao.
Isang kwento ng pag-ibig, paghilom, at pagtuklas kung paano ang pinakamasarap na bahagi ng buhay ay madalas ihahain sa oras na hindi inaasahan.
Iloilo City - The first and only city in the Philippines recognized as a UNESCO Creative City of Gastronomy.
"Where every place hides a story, and every flavor leads to love."