SarcolineCrimsyn
In the Kingdom of Kalinawad, kung saan ang tradisyon at tungkulin ang humuhubog sa bawat buhay, the Princess- Dayang Marikit, the heir to the throne, ay nakatali sa mabigat na responsibilidad at inaasahan ng kanyang bayan. Lumaki siyang handang mamuno nang may karunungan at dignidad, kaya alam niyang hindi dapat mangibabaw ang kanyang damdamin sa kanyang tungkulin.
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Bagani Makisig, ang matapang at marangal na heneral ng kaharian-tapat sa kanyang panunumpa na protektahan ang trono at ang bayan. Mula sa simpleng respeto, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Isang pag-ibig na hindi nila kayang itanggi.
But their love was forbidden in the first place.
Habang dumarami ang banta sa kaharian at kinakailangan ang mga alyansang pulitikal, napipilitan pumili si Marikit sa pagitan ng kanyang tungkulin bilang susunod na Reina at ng lalaking kaniyang minamahal. Si Makisig naman, na nakatali sa kanyang panunumpa, ay kailangang magdesisyon kung mananatili siyang tapat sa korona o ipaglalaban ang isang pag-ibig na maaaring magwasak sa lahat.
Sa mundong puno ng kapangyarihan, dangal, at tradisyon, kaya bang manaig ang pag-ibig, o ito ang magiging dahilan ng kanilang pagbagsak?