13katehegnabon
Sa loob ng halos dalawang taon, naging sandalan, tagasuporta, at tila tahanan ni Lea si Nathan - isang lalaking dumating sa buhay niya nang hindi inaasahan, pero naging dahilan ng bawat ngiti't pagbangon niya araw-araw. Akala niya, siya na. Akala niya, totoo ang lahat.
Hanggang isang araw, parang bula na lang itong nawala. Walang paalam. Walang dahilan. Wala ni isang mensahe.
Ngayo'y tanong sa kanyang isip, "Paano ka nakakalimot sa isang taong halos buong pagkatao mo ay itinaya para sa kanya?"
Isang kwento ng pagkakalimot, pag-asa, at paghahanap ng kasagutan. Dahil minsan, ang pinakamalalim na sugat ay hindi mula sa mga taong nanakit-kundi sa mga bigla na lang nawala.