azileyram
Dahil sa trahedyang bumalot sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Ruby Red, hindi mapalagay si Aliviana Red. Sa gitna ng galit at dalamhati, nagpasya siyang itago ang tunay na pagkakakilanlan at magpanggap bilang Yna Avila upang makapasok sa parehong paaralang pinasukan ng kanyang kapatid-ang lugar na pinaniniwalaan niyang may sagot sa lahat ng kanyang mga tanong.
Ngunit habang unti-unti niyang hinahakbang ang madilim na pasilyo ng paaralan, mas lalo niyang natutuklasan ang mga lihim na tila matagal nang ibinaon sa katahimikan. At mga taong handang gawin ang lahat upang mapanatiling nakatago ang katotohanan.
Sa likod ng mga matatayog na pader nito ay may lihim na laro-na hindi lamang basta paligsahan ng talino, kundi isang mapanganib na estratehiyang ginagamitan ng tunay na mga tao bilang piyesa. Bawat galaw ay may kapalit. Bawat desisyon ay maaaring magtulak sa isang tao sa kapahamakan.
Habang lumalalim ang kanyang imbestigasyon, unti-unting natutuklasan ni Aliviana na ang pagkamatay ng kanyang kapatid ay konektado sa misteryosong laro sa loob ng paaralan-kung saan ang bawat estudyante at guro ay may kani-kaniyang papel at may dalawang Hari na kumokontrol sa lahat mula sa anino. Sa kanyang pagpapanggap bilang Yna, hindi lang hustisya ang nakataya-kundi pati ang sarili niyang buhay at pusong maaaring tuluyang masakripisyo sa larong hindi niya alam kung paano matatapos.
Makakamit kaya ni Aliviana ang hustisyang hinahanap niya, o tuluyan siyang malulunod sa mga sikreto at magiging isa na lamang piyesa sa madugong larong matagal nang umiikot sa loob ng paaralan?
Sa mundong puno ng kasinungalingan at pagtataksil, kung saan bawat hakbang ay kalkulado, hanggang saan ang kaya mong isugal para sa hustisya-kung isang maling galaw lang ang katumbas ay kamatayan.