DREAM_WALKER28
Ano ang gagawin mo kung ang taong pinakamamahal mo ay maaaring mawala anumang oras?
Sa loob ng anim na taon, sinubukan nina Eli, isang tahimik na honor student, at Noah, isang masayahing varsity player, na labanan ang lahat-ang magkaibang mundong pinanggalingan nila, ang sariling takot, ang pagtutol ng pamilya, at ang mga sugat na iniwan ng nakaraan.
Nagsimula ang lahat sa isang aksidenteng pagiging seatmate. Isang simpleng pagkakaibigan ang unti-unting naging pagmamahalang hindi nila inaasahan. Ngunit sa sandaling handa na silang piliin ang isa't isa, isang trahedya ang nagbanta na tuluyang paghiwalayin sila.
Sa bawat gabing ginugol sa tabi ng kama ng ospital, sa bawat luhang hindi nakita, at sa bawat pangakong halos hindi na matupad, isang tanong ang nanatili:
Hanggang saan ang kaya mong ipaglaban para sa taong ayaw mong mawala?
Isang mabagal ngunit makabagbag-damdaming kuwento ng unang pag-ibig, pamilya, pagtanggap, at ikalawang pagkakataon. Dahil minsan, ang pinakamalaking pag-ibig ay hindi nasusukat sa engrandeng mga salita-kundi sa pagpiling manatili sa bawat segundo.
"I Don't wanna miss a thing."